|
||||||||
|
||
Bangko Sentral ng Pilipinas, naglabas ng P 10 Bonifacio Commemorative Coin
SINIMULAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang paglalabas ng ten-peso legal tender sa pagdiriwang ng ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio. Naglabas noon ang Bangko Sentral ng P 1 pisong legal tender na gumunita sa ika-150 taong kapanganakan ni Gat Jose Rizal.
Kinikilalang isa sa pinakabantog na bayani ng bayan, si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan na nagpa-alab ng damdamin ng mga mamamayan na nagtapos sa pagdedeklara ng kalayaan ng bansa noong 1898.
Maglalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng 10 milyong pirasong Bonifacio Commemorative Coin na kasinglaki at kasingbigat ng sampung pisong barya na nasa lipunan. Inikeromenda ng Monetary Board at sinangayunan ng Pangulo ng Pilipinas ang pinakahuling proyektong ito ng BSP.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |