|
||||||||
|
||
Bunkhouses at mga paaralan itinatayo na
MATAPOS ang halos isang buwang paglilinis ng kapaligiran ng Tacloban City, matatapos na rin ng Department of Public Works and Highways ang pagtatayo ng 159 na bunkhouses para sa 3,816 na pamilya sa Silangang Kabisayaan. Isinasagawa na rin ang pag-aayos at pagkukumpuni ng mga napinsalang paaralan.
Sinabi ni DPWH Eastern Visayas Director Rolando M. Asis na ginagawa na nila ang 19 na paaralan sa Tacloban City sa pamamagitan ng recycled materials sa mga napinsalang kagamitan.
Sinimulan na rin nila ang paglilinis ng school sites at nakagawa nan g pagtataya at pagtatala ng mga kagamitang kailangan. Naghihintay na lamang sila ng kahoy at yero.
Kasalukuyang nililinis pa rin ang lansangan mula San Juanico Bridge hanggang sa Imelda Village.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |