Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Saranggola at paper cutting

(GMT+08:00) 2013-12-19 17:23:42       CRI

Noong nagdaang episode, isinalaysay ko sa inyo ang isang uri ng pamanang Tsino-leather silhouette show. Ang mga palabas ng leather silhouette show ay binubuo ng mga karakter at props na yari sa leather, kasama ng mga opera. Ngayong gabi, isasalaysay ko naman sa inyo ang dalawa pang uri ng arteng Tsino. Kapwa sila yari sa papel- saranggola at paper cutting.

Pagpapalipad ng saranggola

Ang saranggola ay pinakamatandang aerocraft sa daigdig na mas magaan kaysa sa hangin. Kapareho sa eroplano ang prinsipyo ng pagpapalipad ng saranggola. Sa kasalukuyan, idinidispley pa ng mga bansang dayuhan sa kanilang mga museo ang mga saranggolang Tsino. Sa museo ng Britanya, itinuturing ang saranggola na ika-5 great inventions ng ancient China. Ayon sa kasaysayan, ipinadala sa Europa ang saranggolang Tsino noong ika-14 na siglo, at ito ay gumanap ng mahalagang papel sa pag-imbento ng glider at eroplano.

Ang saranggola ay isa sa tipikal na laruan ng mga Tsino, lalong lalo na ng mga kabataan at katandaan. Pinagsama nito ang panonood, libangan, paligsahan at pagpapalakas ng katawan. Ito ay may mahigpit na kaugnayan sa mga ugali, palakasan, siyensiya't teknolohiya at sining. Ang pagpapalipad ng saranggola ay nangangahulugang "pagpapalipad ng malas" at "pagpapatangay sa ugat ng sakit." Makikita ang saranggola sa lahat ng dako ng Tsina, pinakapopular ito sa Wei Fang ng Shandong, sa mga lunsod na gaya ng Beijing, Tianjin, at Nantong ng Lalawigang Jiangsu.

Tulad ng mga larawang Pambagong Taon, ang mga saranggola ng Wei Fang ng Shandong ay may mahabang kasaysayan at naimpluwensiyahan ng sining ng mga larawang lilok sa kahoy. Maganda ang hugis ng mga saranggola, mahusay ang teknolohiya, buhay na buhay ang anyo at may magkakatugmang kulay, palagian at mataas ang lipad at may matinding tatak ng nayon.

Ang saranggola sa Beijing ay may mahigit 300 taong kasaysayan. Ang saranggolang hugis swallow ang pinakatipikal na kinatawan. Ang estruktura't ayos nito'y tulad ng lumilipad na swallow.

Ang saranggolang hugis swallow

Kapag ibinuka mo ang pakpak at buntot nito, mukha itong gunting at katulad ng Chinese character na "Da." Ang palamuti ng saranggolang langaylangayan ay nasa dalawang pakpak. Ang ayos ng mga tahi nito ay ginawang tulad ng paniki na kabigkas ng Chinese character "Fu," na nangangahulugang kaligayahan at suwerte.

1 2
May Kinalamang Babasahin
maarte
v Leather Silhouette Show 2013-12-11 17:46:13
v Yu Opera 2013-12-04 17:14:15
v Kuwento nina Niulang at Zhinv II 2013-11-27 17:30:09
v Kun Opera 2013-10-30 17:51:42
v [Ma-Arte Ako] Beijing opera o Peking opera 2013-10-24 15:22:59
v [Ma-Arte Ako] Beijing opera II 2013-10-24 15:22:42
v [Ma-Arte Ako] Beijing opera III 2013-10-24 15:22:18
v [Ma-Arte Ako] Erhu 2013-10-24 15:21:53
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>