|
||||||||
|
||
Ang paper cutting
Ang paper cutting ay makikita sa maraming lugar ng Tsina sa panahon ng Spring Festival. Nagdidikit ang mga tao ng mga debuho sa bintana, sa mga pinto o hapag para magkaroon ng atmosperang pangkapistahan.
Ayon sa mga aklat pangkasaysayan, ginamit ng mga kababaihan noong Tang Dynasty ang paper cut bilang palamuti sa buhok. Noong Song Dynasty, ito'y pandekorasyon sa mga regalo. Idinidikit ito ng mga tao sa mga bintana o pinto, o ginagamit na pandekorasyon ng mga dingding, salamin at parol. Ang iba nama'y ipinanghahanap buhay.
Ang mga paper cutting ay pawang gawa sa pamamagitan ng kamay. Ito'y maaring isang piraso o maraming piraso ng papel. Ang mga simpleng debuho ay maaring gawin sa pamamagitan ng kutsilyo. Para sa mahihirap at komplikadong debuho, idinidikit muna ang debuho sa papel at pagkatapos ay gumagamit ng iba't ibang klase ng kutsilyo sa paggawa niyon, kung hindi masisira ito.
Ang paper cutting ay sumasaklaw sa halos lahat ng paksa, mula sa mga bulaklak, ibon, hayop, tao sa alamat, tauhan ng mga klasikong nobela, hanggang sa make-up ng mukha sa Peking Opera. Iba-iba ang estilo ng paper cutting sa iba't ibang lugar ng Tsina.
Sa kasalukuyan, may mga pabrika at samahan para sa paper cutting sa Tsina. Ang paper cutting ay nagbago, mula pandekorasyon sa pagiging isang uri ng sining. Kasabay nito, ang mga paper cutting ay lumitaw na rin sa mga cartnoon, tanghalan, magasin o sa mga programang pantelibisyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |