Mga nasugatan sa paputok at ligaw na bala, tumaas
MAYROONG 914 na ang nasugatan dala ng mga paputok samantalang 17 ang tinamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Assistant Secretary Eric Tayag ng Kagawaran ng Kalusugan, dalawa ang nakalunok ng paputok, 914 ang nasugatan ng mga pyrotechnics at 17 ang sugatan sa ligaw na bala hanggang kaninang ika-anim ng umaga.
Sinabi naman ng pulisya na mayroong 28 na ang tinamaan ng ligaw na bala mula noong Huwebes.
Sa bilang ng Kagawaran ng Kalusugan na nagmula noong ika-21 ng Disyembre, napuna na mas mataas ito sa datos noong mga nakalipas na taong may kinalaman sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Isa sa mga namana ng mga Pilipino mula sa mga Tsino ang paggamit ng mga paputok.
1 2 3 4 5 6 7