Marijuana, bawal pa rin sa Pilipinas
NANINDIGAN si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nananatiling bawal pa rin ang marijuana sa Pilipinas kasunod ng pagiging legal sa Colorado, Estados Unidos.
Sa isang press briefing kanina sa Malacanang, sinabi ni Atty. Valte na bahala ang kongreso sa posibleng pagbabago ng probisyon ng Dangerous Drugs Act sapagkat hanggang ngayon ay bawal pa rin ang marijuana sa buong bansa.
Magugunitang pinayagan na ang pagbibili ng marijuana sa Colorado para sa dahilan medikal.
1 2 3 4 5 6 7