|
||||||||
|
||
Diyosesis ng Balanga, nakalikom ng higit sa P 2 milyon para sa mga binagyo
NAIPAMAHAGI na ng Diyosesis ng Balanga ang higit sa P 2 milyon para sa mga nasalanta ng bagyong "Yolanda."
Ayon kay Bishop Ruperto Santos, pinasalamatan niya ang mga tumulong sa kanilang fund campaign. Kahit umano may higit na pangangailangan ang mga taga-Bataan ay nakuha pang mag-ambag para sa mga biktima ng trahedya.
Noong Agosto ay nabiktima rin ang Bataan ng walang-humpay na pag-ulan. Ilang bayan ng lalawigan ang binaha dala ng bagyong "Maring."
Umabot sa P 2.042 milyon ang nalikom at naipadala na ang P 120,000 sa Archdiocese of Capiz, P 60,000 sa Cebu, P 130,000 para sa Jaro, Iloilo, P 72,486.00 sa Masbate, P 200,000 sa Biliran at P 130,000 sa San Jose de Antique.
Napadalhan din ng P 200,000 ang Borongan (Eastern Samar), P 130,000 sa Kalibo, Aklan, P 400,000 sa Apostolic Vicariate of Taytay (Palawan) at ang Augustinian Monastery of Sto. Nino de Cebu ay nakatanggap ng P 200,000. Nagbigay din sila ng P 200,000 para sa Caritas Manila.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |