Pagbabawal ng pagkain ng mga kabibe, tahong atbp. Inilabas
PINAGBAWALAN ng Bureau of Fisheries ang Aquactic Resources ang madla na huwag aani, magbibili, bibili at kakain ng mga kabibe at tahong na mula sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at baybayin ng Bataan sapagkat sa kanilang pagsusuri at ng mga sangkot na kabayanan, mapapasapanganib ang mga kakain nito.
Sa isang babalang inilabas at nilagdaan ni Deputy Director Benjamin Tabios, sakop ng pagbabawal ang mga baybay-dagat ng Mariveles, Limay, Orani, Samal, Pilar, Balanga at Abucay.
Ayon kay Deputy Director Benjamin Tabios, hindi ligtas kainin ang mga kabibe at tahong sa mga pook na ito sapagkat ito'y nakalalason.
Bagaman, ligtas kainin ang mga isda, alimango, pusit at mga hipon sa mga pook na ito.
1 2 3 4 5 6 7