Ilocos Norte, nilindol na naman
NIYANIG na naman ng lindol ang Ilocos Norte kanina. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nadama ang lindol sa lakas na 4.9 magnitude sa Burgos, Ilocos Norte kaninang ikatlo ng umaga. Sinundan ito ng 4.7 magnitude na pagyanig mga ikatlo at kalahati ng umaga.
Tinatayang na sa layong 87 hanggang 94 na kilometro sa hilagang kanluran ng Burgos sa lalim na 21 hanggang 33 kilometro mula sa sea level ang epicenter ng lindol.
Ang mga pagyanig na ito ay sinundan ng 3.1 magnitude earthquake kaninang mag-aalas once ng umaga.
Karaniwang nagkakaroon ng pagyanig ng lupa sapagkat ang Pilipinas ay kanilang sa Pacific Ring of Fire na pinagmumulan ng seismic at volcanic activities.
1 2 3 4 5 6 7