Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, nanatiling matatag sa likod ng mga trahedya at pagsubok

(GMT+08:00) 2014-01-07 19:22:27       CRI

SA mga pangyayaring naganap sa loob at labas ng Pilipinas ay nanatiling matatag ang ekonomiya bagama't naharap sa matitinding hamon noong 2013.

Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr. sa kanyang pagharap sa Tuesday Club sa EdSA Plaza Shangri-La Hotel kanina na sa loob ng bansa ay nagkaroon ng tatlong magkakasunod na pangyayaring gumimbal sa mga mamamayan mula sa sagupaang naganap sa Zamboanga, mapaminsalang lindol sa Bohol at super typhoon "Yolanda" na humagupit sa Central Philippines.

Ipinaliliwanag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr. na umaasa siyang sa paghupa ng mga krisis na naganap sa loob at labas ng Pilipinas ay magpapatuloy ang mga biyayang natamo ng ekonomiya noong 2013. Ito ang kanyang mensahe sa kanyang pagharap sa Tuesday Breakfast Club kaninang umaga. Na sa larawan din si Tony Katigbak, Chairman ng Tuesday Breakfast Club. (BSP Photo)

Sa labas ng bansa, nagkaroon ng kawalan ng katiyakan sa fiscal legislation at pagtatapos ng quantitative easing sa Estados Unidos na nagpalugso sa financial markets sa buong daigdig. Ito ang higit na tumindi sa pahayag ni Federal Reserves Chairman Ben Bernanke sa pagpupulong noong Mayo at Hunyo sa pag-aalis ng pondo mula sa tinaguriang emerging markets.

Sa mga pangyayaring ito, ang pag-unlad ng ekonomiya ay nagpatuloy na napuna sa pamamagitan ng hindi bababa sa 7% samantalang napanatili ang inflation sa 3 porsiyento, na ayon sa target range ng pamahalaan.

Nanatili ang deficit sa unang siyam na buwan ng 2013 sa 1.2% ng Gross Domestic Product at mas mababa sa buong taong target na 2%. May surplus sa external payments position. Ang cumulative 2013 Balance of Payment position hanggang noong Nobyembre ng 2013 ay US$ 4.7B. Ang Gross International Reserves ay US$ 3.6 B at sapat na masagot ang 12 buwang halaga ng imports ng goods at services.

Ani Governor Tetangco, umaasa siyang mapapanatili ang mga natamong biyaya ng magandang paglago ng ekonomiya sa bagong taon. Karamihan ng kaguluhan noong 2013 at natapos na bagama't marami pa ring suliranin sa loob at labas ng Pilipinas.

Nagmamasid ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga nagaganap sa loob at labas ng bansa. Layunin din ng BSP na pakinabangan ng karamihan ng mga Pilipino ang mga natatamong biyaya ng mga nagaganap sa lipunan.

Pagtutuunan nila ng pansin ang pagkakaroon ng access ng madla sa sapat na pautang na may kaaya-ayang interest rates sa pamamagitan ng responsible at maayos na regulasyon, napapanahon at angkop na economic at financial learning at ang pagkakaroon ng well-founded financial consumer protection.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>