|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, nanawagan sa mga kabataan
HINILING ni Pangulong Aquino sa mga kabataang tulungan ang kanyang administrasyon na tiyaking hindi maipapasa sa kanyang kahalili ang mga suliraning dinatnan noong 2010.
Ito ang kanyang mensahe sa mga mag-aaral ng Miriam College High School na dumalaw sa kanya sa Malacanang. Nararapat umanong makiisa ang lahat upang matamo ang layuning ito.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Aquino na hindi niya iiwanan ang mga problemang hinarap noong 2010. Magaganap lamang ito kung lahat ay makikiisa at makikipagtulungan.
Umaasa si Pangulong Aquino na makikilahok ang mga kabataan sa pagbibigay ng solusyon sa mga suliranin ng lipunan.
Aniya, ang anumang nakikitang mali ay hindi na nararapat pang ulitin. Sa kanyang pakikipag-usap sa mga mga-aaral, ang Kasaysayan umano ang kanyang paboritong subject noong siya ay nasa high school.
Mahalaga rin umano ang Biblical history sapagkat naipapaunawa hindi lamang ang mga naganap noon kungdi ang mga nagaganap ngayon.
Hindi na rin nararapat maulit ang mga naganap noong Martial Law. Noon umanong siya ay nasa high school, sa halip na makadalo sa mga pagtitipon ay kinailangang tumupad sa curfew, na hindi nagmula sa mga magulang kungdi sa estado.
Noon umanong panahon ng Batas Militar, walang anumang pagpaplanong naganap sapagkat walang naniniwalang magkakaroon ng magandang kinabukasan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |