|
||||||||
|
||
Ang ikalawa sa ating listahan ay ang Five Policies of Real Estate Regulation. Ang presyo ng real estate dito sa Tsina ay isa ngayon sa top concern ng maraming Tsino. Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bahay sa mga tier-one na lunsod nitong ilang taong nakalipas. Ang mga bagong kasal mula sa mga middle-income o low-income na pamilya ay halos hindi makayanan ang pagbabayad ng down-payment sa Beijing, Shanghai o Guangzhou. Kahit, sa mga tier-two at tier-three na lunsod ay tumaas na rin ang presyo ng mga bahay. Dahil dito, ang Pamahalaang Tsino ay patuloy sa paggawa ng mga hakbang upang makontrol ang pagtaas ng presyo ng mga bahay.
Noong February 2013, sa pamumuno ni dating Premyer Wen Jiabao, idineklara ng State Council ang five policies of real estate regulation. Ito ang ika-5 real estate regulation mula noong simula ng December 2009. Noong January 2010, ipinahayag ng State Council ang 11 polisiya para sa real estate regulation, muli itong naglabas ng panibagong 10 polisiya noong April, at noong September, 29 na bagong polisiya ang muling inilabas.
Sa January 2011, 8 bagong polisiya ang muling inilabas ng State Council. Iyong ika-5 regulation policies na inilabas noong February 2013 ay nakasentro sa house purchase quota at mortgage restriction. Ito ay para pigilin ang pagbili ng mga tao ng 2 o higit pang bahay na nagpapataas sa presyo nito.
Ang ikatlo ay ang H7N9 Virus - Noong March 2013, inanunsyo ng Shanghai Department of Health ang unang kaso ng H7N9 virus sa Tsina at sa mundo. Sa mga sumunod na dalawang buwan, 10 probinsya at 39 na lunsod ng mainland China ang nagkaroon H7N9 victims. Pagdating ng May 27, 2013, nagkaroon ng 130 H7N9 victims at 37 ang namatay. Pagpasok ng May 30, bumaba ang bilis ng kontaminasyon at tuluyan itong nakontrol. Ang H7N9, katulad ng ibang uri ng bird flu, ay aktibo sa winter at naging deaktibo naman sa summer.
Ikaapat, ang Manned Space Program ng Tsina – Inilunsad sa kalawakan, noong June 11, 2013 ang Shenzhou 10, ika-5 manned spacecraft ng Tsina. Ang misyon nito ay makipaghugpong sa Tiangong space station. Bukod pa riyan, gumawa rin ito ng ibat-ibang eksperimento sa kalawakan. Ang tatlong tripulanteng sina Nie Haisheng, Zhang Xiaoguang at babaeng astronaut na si Wang Yaping ang sakay ng Shenzhou 10. Nakabalik ito sa mundo noong June 26, 2013, pagkaraang lumipad ito 15 araw sa kalawakan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |