Last but the not the least, ang Internet Finance - Noong 2013, naging hot topic sa Tsina ang "Internet Finance." Ayon kay Jack Ma, CEO ng Alibaba, "If banks don't change, we will change banks." Noong June 5, 2013, kasama ng Tianhong Asset Management, inilunsad ng Alipay, ang Yu'E Bao: at pagkatapos ng halos 5 buwan, ang fund size nito ay umabot sa 100 bilyong yuan (USD 16.32 billion). Di-nagtagal, sumunod na rin ang Baidu, at inilunsad ang finance center nito, na dumaig sa Yu'E Bao sa unang araw ng pagkakalunsad.
Jack Ma, CEO ng Alibaba
Siyempre, dahil sa tagumpay ng Alibaba at Baidu, maraming internet enterprises ang nagpaplanong pumasok sa internet finance market. Ayon sa mga ulat, ilulunsad ng Sina Weibo ang Finance Platform nito sa malapit na hinaharap.
1 2 3 4