Ikalima, ang dreaded Hazy Weather – Ayon sa China Meteorological Bureau, ang kabuuang bilang ng mga hazy days noong 2013 ay naging rekord nitong nakalipas na 52 taon. Isa sa mga pinaka-hazy na panahon ay nangyari noong Enero 2013, sa Beijing. Ito ay tumagal ng mahigit 10 araw. Noong Oktubre 2013, ang northeastern China ay nakaranas ng mas grabeng air pollution kaysa sa Beijing. Nitong Disyembre naman, ang Shanghai at ilan pang southern provinces ang nakaranas naman ng haze, at tumagal ito ng mahigit isang linggo. May dalawang dahilan ang haze: una, polusyon sa hangin mula sa mga industriyalisadong lunsod; at ikalawa, ang klima ay hindi akma para sa tinatawag na pollution dispersion. Dahil dito, ang demand para sa mga produktong panlaban sa masamang hangin ay tumaas.
Hazy Weather
Ikaanim ay ang Two-child Policy – Mula noong 1983, sinusunod sa Tsina ang "One-child Policy." Nitong ilang taong nakalipas, sinumulang pag-usapan ng Pamahalaang Tsino ang "Two-child Policy." Noong ika-11 ng Nobyembre 2013, ipinahayag ng Pamahalaan ang pag-iimplimenta sa "Two-child Policy." Ang polisiyang ito ang nagpapahintulot sa isang pamilya na magkaroon ng 2 anak, kung isa sa mga magulang ay nag-iisang anak lamang sa kanilang pamilya.
Ang ikapito ay ang Central Patrol Group – Ang Central Patrol Group ay itinatag noong 2003. Sa ngayon, mayroon itong 12 patrol groups, at ang trabaho nila ay inspeksyonin ang performance ng mga local government unit. Mula noong 18th Central Committee, nakapagsagawa na ng 2 patrol round ang central party, att ilang impluwensyal at makapangyarihang opisyal ang nasibak sa puwesto dahil sa korupsyon.
1 2 3 4