TUMAAS ang bilang ng mga nasawi at umabot na sa 34 dala ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Mindanao dulot ng low pressure area at ngayo'y isa ng tropical storm na may pangalang "Agaton."
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council, mayroon ding 65 katao ang nasugatan samantalang may pito katao pa ang nawawala sa Zamboanga Peninsula, Hilangang Mindanao, Davao at Caraga regions.
May 467 mga barangay sa 72 bayan sa 14 na lalawigan sa Mindanao ang apektado ng sama ng panahon. Halos kalahating milyong mga mamamayan ang apektado. Mayroong higit sa 210 libo katao ang nasa 358 evacuation centers.
Ang tropical strom ay tinatayang may 40 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur bukas ng umaga at may 13 kilometro sa hilagang silangan ng Davao City sa Linggo.
1 2 3