Dalawang tulay, di pa rin magamit
IBINALITA ng Department of Public Works and Highways na ang Laparan Bridge na siyang inaasahan ng mga taga-Laparan at taga-Kauswagan sa Lanao del Norte ang 'di pa natatapos ayusin kaya't walang sinumang makakadaan.
Ang Laparan Brudge na nasa Barangay Napo sa Lanao del Norte at nalugso mga ikawalo't kalahati ng gabi noong ika-13 ng Enero dala ng rumaragasang baha.
Ayon sa impormasyon, ipinag-utos na ni Director Evelyn Barroso ang pagtatayo ng pansamantalang tulay na gagamit ng bailey panels may magamit lang ang mga mamamayan. Matatapos ang pansamantalang tulay sa loob ng isang linggo.
Bubuksan ang bagong tulay sa darating na Martes sa magagaang mga sasakyan.
1 2 3