Taon ng mga Laiko sa Maynila, ilulunsad bukas
PAMUMUNUAN ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle ang Katolikong Pinoy series para sa Taon ng mga Laiko sa ganap na ikawalo ng umaga bukas, sa Layforce Chapel ng San Carlos Formation Complex, EDSA, Guadalupe. Pamumunuan din niya ang Misa sa ganap na ika-11 ng umaga.
Ang Katolikong Pinoy Series ay isang palatuntunan ng San Lorenzo Ruiz Lay Formation Center ng Commission on Formation of the Laity at ng Christian Communities ng Archdiocese of Manila. Sa taong 2014, ang tema ay "The Light of Faith in the Hear of the Laity."
Sa serye ng taong 2014, hinahamon ang mga Laikong Pilipino na magbalik-tanaw at magpasalamat sa biyaya ang pananampalataya. Magsuri ng may kababaang-loob sa mga hamon ng Bagong Ebangehilisasyon at kumilos ng may pananampalataya sa bansang Pilipino sa mga susunod na araw.
Paksa ni Cardinal Tagle ang "Laity and the Emergence of a New Filipino Culture."
1 2 3