|
||||||||
|
||
TUTULONG ang Lopez Group of Companies at First Gen sa abot ng kanilang makakaya sa mga napinsala ni "Yolanda."
Ayon kay Federico R. Lopez, Chairman and Chief Executive Officer ng First Gen nakatuon ang kanilang atensyon sa mga taga-Kanangga, Ormoc City at mga naninirahan sa loob ng Second Congressional District ng Leyte sapakgat matagal na rin ang suporta ng mga mamamayan sa kanilang mga proyekto. Napapanahon lamang na ibalik ang pagmamagandang-loob sa mga nabiktima ni "Yolanda."
Ito ang pagtiyak ni G. Federico R. Lopez, Chairman at Chief Executive Officer ng First Gen at Energy Development Corporation sa isang panayam. Nakatuon ang kanilang pansin sa bayan ng Kanangga at sa Lungsod ng Ormoc at mga bayang saaklaw ng Second Congressional District ng Leyte. Magtatayo sila ng mga paaralan sa tulong ng kanilang development partners. (Fernando Diaz de Rivera)
Ang Oscar M. Lopez Foundation ang nangasiwa sa pagsasama-sama ng mga dalubhasa sa recovery at rehabilitation sa Kabisayaan. Sa kanilang pagtitipon, naging panauhing pandangal ang Presidential Adviser on Recovery and Rehabilitation at dating Senador Panfilo M. Lacson at mga dalubhasa sa loob at labas ng Pilipinas.
Ani G. Lopez, ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat upang makarating sa kinauukulan ang ibayong tulong at pagkalinga. Nasisiyasahan naman sila sa transparency ng pamahalan sa pagtulong sa mga nasalanta.
Idinagdag pa niya na mas makabubuting paraan ang pagkakasama sa pribadong sektor upang higit na madali ang rehabilitasyon.
Bagama't apektado ang kanilang mga planta sa ilalim ng Energy Development Corporation, minamadali nina G. Lopez ang pagpapatakbo nito bago sumapit ang Hulyo o Agosto ng taong 2014. Pagtatangkaan nilang mapabilis pa ang pag-aayos ng mga napinsalang planta.
Sa pagtataguyod ng Oscar M. Lopez Foundation at First Gen, tinipon nila sa Asian Institute of Management ang mga dalubhasa sa iba't ibang larangan ng recovery at rehabilitation upang mapalawak ang pagkaka-alam ng mga opisyal ng pamahalaan, namumuno sa non-government organizations at development partners.
Idinagdag pa ni G. Lopez na layunin nilang mapunuan ang kakulangan ng pamahalaan sa abot ng makakaya upang maibalik sa normal ang buhay ng mga biktima ni "Yolanda."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |