|
||||||||
|
||
Pamahalaan at FAO, namahagi na ng binhi
PINAMUNUAN ng Department of Agriculture sa Kanlurang Bisaya at Food and Agriculture Organization ang pamamahagi ng binhi sa mga magsasakang sangkot sa pagtatanim na palay.
Nagsimula silang mamahagi noong nakalipas na ika-anim ng Disyembre at umabot na sa 16,321 sako ng certified seeds ang ipinamahagi sa anim na lalawigan ng Kanlurang Bisaya. Ang may 9,698 bag ay certified seeds mula sa FAO samantalang ang nalalabi ay mula sa naka-imbak na binhi ng Department of Agriculture sa Region 6.
Ayon kay Edgar Baylon, regional seed coordinator, ang pamamahagi naman ng mga pataba ay sinimila noong ika-16 ng Enero.
Namahagi rin ang FAO ng 9,700 bag ng fertilizer sa rehiyon. Base ito sa pinsala sa rehiyon. Tumanggap ang Iloilo ng 3,085 bag, Capiz, 4,013 bag, Aklan, 800 sako, Antique, 800 sako at Negros Occidental, 100 sako ng pataba.
Ang Region 6 ay tatanggap din ng 2,300 bag ng binhing mais, 5,600 set ng kagamitang pangbukid, 600 unit ng water pumps matapos ipamahagi ang certified seeds at mga pataba.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |