Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong palatuntunan para sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, inihayag

(GMT+08:00) 2014-01-24 18:37:43       CRI

Bagong palatuntunan para sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, inihayag

PAGTUTUUNAN ng pansin ng Philippine Chamber of Commerce and Industry ang mga paraan upang lumago ang kita mula sa mga kalakal dala ng pandaigdigang ekonomiya.

Ayon kay Pangulong Alfredo M. Yao, ang mga panibagong hakbang ay bibigyang-diin sa taong 2014-2015. Si Ginoong Yao ang chairman ng Zest-O at Philippine Business Bank at nagtatag ng AirAsia Zest ay nagsabing ang work program ay naglalayong mabawasan ang halaga ng kalakal, patiyak sa maayos na kalakaran, magtutuwid ng human resource development sa industry at international standards, magsusulong ng small and medium enterprises at business development, pagpapasigla ng pagsasaka at pagsusulong ng maayos na legal framework para sa investments.

Magaganap lamang ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa pamahalaan at iba pang development partners at stakeholders sa mga prayoridad ng PCCI na layuning makatugon sa kompetisyon, pagpapalawak ng ekonomiya at pagkakaroon ng maayos na hanapbuhay sa pamamagitan ng quality investments.

Malaking telecommunications company, naglaan ng P 7.5 milyon sa mga biktima ni "Yolanda"

NAGLAAN ang Globe Telecom ng P 7.5 milyon para maitayo ang mga tahanang napinsala ni "Yolanda" sa Daanbantayan sa Cebu at sa Guiuan, Eastern Samar. Repair kits ang ibibigay ng isa sa nangungunang telecommunications company. Idaraan ang donasyon sa pamamagitan ng Habitat for Humanity.

Ang proyekto ay makikita rin sa www.projectwonderful.ph na saklaw ng corporate response ng malaking telecom company. Maglalaan ang proyekto ng tahanan sa mga nawalan nito, pagdudulot ng edukasyon sa kabataan at pagkakaroon ng hanapbuhay sa mga naapektuhan.

Tutustusan ng Globe ang may 500 tahanan sa Barangay Logon, Malapascua Island, Daanbantayan at magbibigay din ng logistical support sa Habitat para sa shelter repair kits sa may 6,000 pamilya sa Guiuan, Eastern Samar.

Ang shelter repair kits ay kinabibilangan ng anim na piraso ng marine plywood, walong pirasyong yero, 10 pirasong good lumber, dalawang pirasong yero, pako, martilyo at lagare.

MGA REPAIR KITS, IBINIGAY NG GLOBE TELECOM.  Ibinigay ng kinatawan ng Globe Telecom ang repair kits sa pamamagitan ng Habitat International sa mga biktima ni Yolanda sa Guiuan, Eastern Samar.  Nagkakahalaga ang mga ito ng P 7.5 milyon.  Ang Globe Telecom ay isa sa mga kumpanyang Pilipino na kasama sa kalakal ng kumpanyang Huawei. (Contributed Photo)

 

MGA NAPINSALANG TAHANAN, MAISASAAYOS NA.  Sa pamamagitan ng pagtulong ng mga kumpanyang pribado at iba't ibang pamahalaan at ahensya, maitatayong muli ang mga tahanang napinsala ni "Yolanda."  Isa ang tahanang itong maisasaayos sa tulong ng Globe Telecom.  (Contributed Photo)

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>