Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senado, inimbistigahan ang rice smuggling

(GMT+08:00) 2014-01-22 18:22:19       CRI

TUMANGGI ang isang nagngangalang Davidson Bangayan na siya rin si David Tan na isinasangkot sa pagpupuslit ng bigas papasok sa Pilipinas.

Sa kanyang pagharap sa Senate Committee on Agriculture and Food kaninang umaga, pinabulaanan niya ang mga balitang lumabas na siya rin sa David Tan. Subalit ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, mayroon siyang dalawang sinumpaang salaysay ng dalawang saksi na kinuha ng National Bureau of Investigation na nagsasabing si Bangayan at Tan ay iisa.

Isa umano sa mga saksi ang nakatransaksyon ni Bangayan na kinasasangkutan ng multi-purpose cooperatives samantalang ang isa nama'y nagsabing sangkot sa smuggling si Bangayan. Tumanggi si Kalihim De Lima na kilalanin ang mga saksi.

Naunang sinabi ni Bangayan na siya ay isang negosyanteng nasa general trading, tulad ng bakal, mga produktong pangsakahan at iba pang mga paninda at 'di kailanman nasangkot sa smuggling.

Inamin ni Bangayan na nakakalahok siya sa bidding ng rice importation at nagsabing nakipagkalakal sa ilang farmers cooperatives.

Samantala, magsasama-sama ang mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang law enforcement agencies sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa rice smuggling. Ito ang sinabi ni National Bureau of Investigation chief Virgilio Mendez sa mga mamamahayag.

Nakausap na umano ni Mendez si Kalihim Proceso J. Alcala ng Pagsasaka kahapon at paksa nila ang rice smuggling. Magsama-sama ang Department of Agriculture at Department of Jusitce, NBI at Bureau of Customs.

Sapat umano ang kanilang ebidensyang magsasabing si Bangayan at David Tan ay iisang tao lamang. Pagtutuunan nila ng pansin ang sinasabing malawakang rice smuggling.

ave enough evidence to prove that he is the one and the same person. On the identity issue, settled na kami doon," Mendez said adding that their focus now is the rampant rice smuggling.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>