|
||||||||
|
||
20140212melom4a.m4a
|
Bagong liderato ng ARMM, nasugpo ang korupsyon
NAPAUNLAD NG PAMAHALAAN ANG ARMM. Makikita sa larawan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III (gitna, unang hanay) kasama ang mga opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa 2nd ARMM LGU Summit on Governance and Development na idinaos sa Waterfront Insular Hotel sa Davao City kanina. (Malacanang Photo)
SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na napaunlad ng pamahalaan ang kalagayan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao mula sa mga pagawaing-bayan hanggang sa pagsasaka at kapayapaan.
Sa kanyang talumpati sa mga kalahok sa 2nd ARMM LGU Summit on Governance and Development sa Waterfront Insular Hotel, nasugpo umano ng bagong liderato sa ARMM ang katiwalian at napabuti ang public service at napanatili ang kapayapaan.
Sa pagkakaroon ng synchronized election sa ARMM, nabawasan ng pamahalaan ang mga presintong nagkaroon ng failure of election. Bumaba rin umano ang election-related violence mula sa 33 ay umabot na lamang sa anim noong nakalipas na taon. Mayroon na umanong 389,656 na nakatala sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Nagkaroon na umano ng investors' confidence sa pagkakaroon ng P 1.46 bilyon halaga ng kalakal noong 2013 mula sa P 569 milyon noong 2012.
Karapatan ang Public Health Services
RE-NATIONALIZATION ANG KAILANGAN. Ito ang pahayag ni Ang Nars Party List Congresswoman Leah S. Paquiz sa isang panayam. Binanggit niyang mas makabubuting hawakan ng national government ang mga ahensyang napasakamay ng mga local government units. (Melo M. Acuna)
GARANTISADO ng Saligang Batas ng Pilipinas ang public health services kaya't may pananagutan ng pamahalaan sa pagsusulong at pagtatanggol sa mga karapatang ito. Ang pagbibigay ng mga pasilidad sa pribadong sektor na ang layunin ay magkamal ng tubo ang siyang pipigil sa mga mamamayang makatanggap ng serbisyo.
Ayon kay Ang Nars Party List Congresswoman Leah S. Paquiz, hindi umano maipagbibili ito sapagkat ang public health services ay bahagi ng social service.
Kinondena ng mambabatas ang sinasabing corporatization, modernization o privatization ng alinmang pagamutan na mag-aalis ng karapatan sa mga mahihirap na magkaroon ng public health services.
Ang kailangan umano ay ang "renationalization" ng public health services upang magkaroon ng matatag, malakas at malawakang paglilingkod sa taongbayan. Wala umanong mabisang kalakaran sa isinagawang devolution sa ilalim ng local government units.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |