Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong liderato ng ARMM, nasugpo ang korupsyon

(GMT+08:00) 2014-02-12 18:40:24       CRI

European Union at ASEAN, ipinanukala ang "open skies" agreement

SA pamamagitan ng Joint Declaration na ipinanasa ngayon sa Singapore sa pagtatapos ng dalawang araw na EU-ASEAN Aviation Summit, ang European Commission at Association of Southeast Asian Nations na magkaroon ng aviation cooperation sa pagkakaroon ng mas malawak na air transport agreement sa pagitan ng dalawang grupo.

Nagsama-sama sa pagpupulong ang may 300 political at business leaders kabilang na angh ilang EU at ASEAN transport ministers. Higit na makikinabang ang magkabilang panig sa pagsasama-sama ng air services at ng aviation industry, pagtutulungan upang higit na gumanda ang air traffic management at pag-iisa ng safety at security standards.

Upang magkabisa ang negosasyon at magtapos sa kasunduan sa ASEAN, ang European Commission ay mangangaiulangan ng mandato mula sa Council of Transport Ministers ng 28 kasaping bansa. Sa EU-ASEAN Aviation Summit, sinabi ni Vice President Siim Kallas na ipapanukala niya sa European Commission na makatanggap ng authorization mula sa council sa pinakamadaling panahon at masimulan na ang EU-ASEAN Comprehensive air transport agreement.

Ang unang air transport agreement ng ASEAN ay sa People's Republic of China noong 2011. Ang ASEAN ang nagsimula ng pakikipag-usap sa Japan at Republic of Korea at umaasang matatapos ang katulad na kasunduan.

Nahatulang bilanggo sa Saudi Arabia, nabigyan ng palugit

BINIGYAN ng isang buwang palugit si Joselito Zapanta ng mga autoridad sa Kaharian ng Saudia Arabia upang makalikom ng sapat na blood money upang makaligtas sa parusang kamatayan.

Ito ang ibinalita ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na tagapayo sa mga usaping kinasasangkutan ng mga manggagawang Pilipinong nasa ibang bansa. Nahatulan si Zapanta ng parusang kamatayan matapos niyang mapaslang si Imam Ibrahim, isang Sudanese national sa pagtatalo sa upa sa bahay.

Humingi ng SAR 5 milyon upang patawarin ang nagkasalang Pilipino ay maiwasan ang parusang kamatayan. Binabaan nila ang kahilingan at ginawa na lamang na SAR 4 milyon.

Unang palugit ang ibinigay noong ika-12 ng Nobyembre 012 at nabigyan ng dagdag na palugit noong Marso 12, 2013. Isa pang palugit ang ibinigay noong ikatlo ng Nobyembre ng 2013.

Nakapagbigay na rin ng ambag si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino subalit kulang pa ito.

Patalastas ng condoms, hiniling na alisin sa radyo at telebisyon

HINILING ni Fr. Melvin Castro, Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Commission on Family and Life na pag-aralang mabuti ang mga patalastas tungkol sa condoms ang siyang higit na magsusulong sa mga kabataang magkaroon ng mas aktibong sex life.

Nagdudulot umano ng mas masamang mensahe ang mga patalastas na ito samantalang isinasahimpapawid ang mga ito sa radyo't telebisyon na tinatangkilik ng mga kabataan.

Nanawagan siya sa mga advertising agencies na pagbalik-aralan ang mga patalastas na ito.

Sa panayam sa Radio Veritas, ikinalungkot din ni Fr. Castro ang pagsasahimpapawid nito kahit pa suspendido ang pagpapatupad ng kontrobersyal na Reproductive Health law ng Korte Suprema.

Anang pari, kahit may pagbabawal ang Korte Suprema, tahasan pa ring isinusulong ang mga mithi ng nasa likod ng Reproductive Health law.

Mas makabubuti umanong gumawa ang mga advertising companies ng mga patalastas na nagsusulong ng social at moral values, dagdag pa ni Fr. Castro.


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>