Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang Pilipino ang nasawi, dalawa ang nasugatan sa pagsabog sa Qatar

(GMT+08:00) 2014-02-28 18:15:12       CRI

Human trafficking, magpapatuloy pa rin

MAGANDANG EKONOMIYA NG IBANG BANSA, BATOBALANI (MAGNET) PARA SA MGA PILIPINO.  Lalabas ang mga Pilipino sa legal at illegal na paraan upang maghanap ng trabaho.  Walang malaking kita kung sa Pilipinas maghahanapbuhay, dagdag ni Bb. Susan Ople, Pangulo ng Blas F. Ople Policy Center na tumutulong sa mga manggagawang inapi, inabuso at nilapastangan ng mga pinaglingkuran sa ibang bansa.  (Melo M. Acuna)

KAHIT pa ipinagmamalaki ng pamahalaan ang 7.2% growth sa Gross Domestic Product noong nakalipas na taon, magpapatuloy pa rin ang paglabas ng mga Pilipino sa legal at illegal mang paraan.

Ayon kay Bb. Susan Ople, Pangulo ng Blas F. Ople Policy Center, umaalis ng bansa ang mga Pilipino upang matugunan ang kakulangan sa kanilang kinikita, magkaroon ng personal advancement at magkaroon ng makataong hanapbuhay.

Inihalimbawa niya ang kalagayan ng isang tsuper na sumasahod ng P 10,000 isang buwan subalit pagnangibang-bansa ay tiyak na aabot ito sa P 30,000 bawat buwan.

Ani Bb. Ople, ang magandang ekonomiya ng ibang bansa ang nagiging batobalani (magnet) para sa mga manggagawa.

Isang problema sa Pilipinas ang pagtatangi sa mga nakatatanda tulad ng pagtanggi ng mga kumpanya sa mga aplikanteng lampas na sa 35 taong gulang.

Ang recruitment at maging human trafficking ay nagiging industriya sa bansa sapagkat kahit na mayroong kaunlaran sa ekonomiya, hindi naman ito nadarama at napakikinabangan ng nakararami sa Pilipinas.

Isang masakit na katotohanan ang mga programa ng mga bansang Saudi Arabia, Kuwait, Malaysia at iba pang bansa na bigyang prayoridad sa trabaho ang kanilang mga sariling mamamayan sa halip na mga Pilipino at iba pang mga manggagawa.

Sampung taon na ang Blas F. Ople Policy Center na aktibong tumutulong sa mga manggagawang nangibang-bansa. Noong nakalipas na 2013, umabot sa 145 mga usapin ng mga manggagawang nagipit, inapi at nilapastangan ng kanilang employers ang kanilang natulungan.

Nakapanayam ng CBCPOnline Radio si Bb. Ople matapos ang kanyang talumpati sa dalawang araw na pagpupulong ng mga alagad ng simbahang pinamagatang "Let's Move" – ang pinagsamang pagkilos upang wakasan ang human trafficking at pang-aalipin na idinaos sa University of Asia and the Pacific.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>