|
||||||||
|
||
Social media, nakakatulong sa mga biktima ni "Yolanda"
NAKAKATULONG ang social media tulad ng "Tweeter" sa pagmumulat ng mata ng mga Americanong Katoliko upang tumulong sa mga biktima ni "Yolanda."
Ito ang ibinalita ni Joe Curry, ang Country Representative ng Catholic Relief Services sa isang panayam ng CBCPOnline Radio.
Sa pagdalaw ng isang American cardinal noong nakalipas na taon at ng mga arsobispong mula sa kapulungan ng mga Amerikanong Obispo, ginamit nila ang social media tulad ng "Tweeter" sa pagbabalita sa kanilang mga kababayan ng nagaganap sa Kabisayan.
Sapagkat ang salaping ginugugol ng CRS ay mga donasyong mula sa mga nasa Estados Unidos at iba pang bahagi ng daigdig, umabot na sa US$ 8 milyon ang kanilang nagastos noong emergency phase.
Ani G. Curry, nasa transition stage na sila mula sa emergency ay patungo na sila sa recovery phase na mangangailangan ng mas malaking halaga.
Umaasa siyang maiipon nila ang buong US$ 50 milyon para sa kanilang mga palatuntunan. Pinag-aaralan nila kung ano at saan itatayo ang mga pabahay. Bagaman, nais nilang sa dating tinitirhan ng mga biktima sila manirahan sapagkat mahihirapang mangisda ang mga biktima kung mapapalayo sila sa tabingdagat.
Kinikilala rin naman nila ang nais ng pamahalaang maging ligtas ang lahat sa anumang sama ng panahon .
Nakikipag-ugnayan na sila sa Arkediyosesis ng Palo, Diyosesis ng Borongan at iba pang ecclesial provinces na tinamaan ni Yolanda upang masimulan ang mga palatuntunang tutulong sa mga biktima. Pinakamalaking pangangailan ay ang matitirhan. Pangalawa ang hanapbuhay, pangatlo ang disaster risk reduction at kasunod nito ang water and sanitation.
Hamak na mas malaking pinsala ang idinulot ni "Haiyan" o "Yolanda" kaysa sa hagupit ni "Bopha" kamakalawang taon.
Nakarating din sa kanila ang pangangailangan ng mga taga-Coron, Palawan sapagkat natuon ang karamihan sa silangang bahagi ng Kabisayaan, dagdag pa ni G. Curry.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |