LUMABAS ang balitang may tatlong milyong Pilipino ang walang trabaho noong nakalipas na Enero.
Sa ginawang Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority, tumaas ang unemployment rate sa bansa at narating ang 7.5% mula sa 7.1% noong Enero ng 2013.
Ang National Capital Region ang may pinakamababang employment rate na 88.8% samantalang may tatlong iba pang rehiyon na kinabibilangan ng Ilocos Region (90.7%). CALABARZON (91.1%) at ang Central Luzon na nagkaroon ng 91.2% na mas mababa sa national figure.
Ang karamihan sa mga walang trabaho ay mga kalalakihan na umabot sa 63.9%.
Kung underemployment ang pag-uusapan, kinakitaan naman ito ng pagbaba mula sa 7.464 milyon at natamo ang 7.101 milyon. Ang mga underemployed ay mga taong may higit sa isang trabaho.
1 2 3 4