|
||||||||
|
||
140307melo.m4a
|
Pilipinas, napapansin na ng iba't ibang bansa
PILIPINAS, NAPAPANSIN NA NG IBANG BANSA. Ito ang sinabi ni UK Ambassador to the Philippine Asif Ahmad sa kanyang talumpati sa harap ng mga mangangalakal na Pilipino at British sa isang "networking event." Maganda ang nagaganap sa Pilipinas at napapansin na ng mga mangangalakal mula sa ibang bansa, dagdag pa ni Ambassador Ahmad. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA si United Kingdom Ambassador to the Philippines Asif Ahmad na patuloy na lumalago ang kalakal ng kanyang bansa sa Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa pagsasama ng mga mangangalakal na Pilipino at British businessmen, sinabi ni Ambassador Ahmad na mga kabataang may sapat na pinag-aralan ang makakaharap ng mga mangangalakal na mula sa kanyang bansa sa pagsisimula ng kanilang mga tanggapan sa Pilipinas.
Ipinagmalaki niya na sa halos 200 kataong kawani ng kanyang embahada, halos tatlumpu na lamang ang mula sa United Kingdom sapagkat karamihan ay sa Pilipinas na nagmula.
Magkakaroon na rin sila ng business process outsourcing sa Pilipinas na tutugon sa mga transaksyon sa larangan ng pananalapi at mga isyung may kinalaman sa human resources.
Bagaman, ikinalungkot niyang kahit umunlad ang ekonomiya ng bansa ay hindi nagkaroon ng sapat na pag-unlad at pagdami ng mga hanapbuhay. Kailangan pa ring madama ang mga pagawaing-bayan upang magkaroon ng higit na pagtitiwala ang mga mangangalakal mula sa ibang bansa.
Inihalimbawa ni Ambassador Ahmad ang bagong bahagi ng kasaysayan sa pagitan ng dalawang bansa, partikular sa pagbabalik ng Philippine Air Lines sa London. Nakatulong ang Embahada ng United Kingdom sa pagluluwag sa Philippine Air Lines sa pagkakaroon ng landing rights sa eroplanong maglilingkod sa mga manglalakbay at turista sa pagitan ng dalawang bansa.
Higit umanong gaganda ang kalakal sa Pilipinas kung mababawasan ang mga sinisingil at higit na bigyang pansin ng nilalaman ng free trade agreements. Kailangan ding mabuksan ang procurement program upang makalahok ang mga kumpanyang mula sa iba't ibang bansa, dagdag pa ni Ambassador Ahmad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |