Pangalawang Pangulong Binay, nagpasalamat sa paglilipat kay Delfin Lee sa provincial jail
NAGPASALAMAT si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa desisyon ng Pampanga Regional Trial Court na ilipat ang kontrobersyal na pinuno ng Globe Asiatique na si Delfin Lee sa piitang panglalawigan.
Ani G. Binay, nararapat lamang ang desisyon ng Regional Trial Court Branch 42 na ilipat si Lee mula sa NBI Regional Office No. 3.
Idinagdag ng pangalawang pangulo na nakuha ni Lee ang may pitong bilyong piso mula sa Pag-IBIG Fund at naging dahilan upang mawala sa libu-libong mga Pilipino ang kanilang panaginip na magkaroon ng sariling tahanan. Marapat lamang na pagkaitan siya ng special treatment, dagdag pa ni G. Binay.
Gagawin ang pagbasa ng sakdal kay Lee sa darating na Biyernes. Ipaglalaban ng pamahalaan ang karapatan ng mga nadaya ng Globe Asiatique at hahadlangan ang anumang pagtatangkang mapalaya si si Delfin Lee.
1 2 3 4