|
||||||||
|
||
140305melo.m4a
|
Kapayapaan at Kaunlaran sa Mindanao, malapit ng makamtan
INILUNSAD ngayon ang Bangsamoro Development Plan na naglalaman ng short at medium-term development strategy para sa mga saklaw ng lupaing Bangsamoro.
Kikilalanin ng Bangsamoro Development Plan ang mga investments at mga palatuntunan na magsusulong ng malawakang kaunlaran, katatagan at tutulong sa pagkakaroon ng hanapbuhay sa Bangsamoro mula ngayon hanggang 2020.
Pinamunuan ng Bangsamoro Development Authority, ang development arm ng Moro Islamic Liberation Front, na binuo sa ilalim ng Humanitarian, Rehabilitation and Development Aspects ng Tripoli Agreement ng Pilipinas at MILF noong 2001.
Sinabi ni Dr. Saffrulah M. Dipatuan, chairman ng BDA Board of Directors na ang balak na ito ay mahalga sa pagtatatag at pagtatagumpay ng Bangsamoro.
Sa panig ni Kalihim Teresita Quintos-Deles, sa pamamagitan ng BDP, na siyang kumakatawan sa mga mithiin ng mga Bangsamoro, mga katutubo at iba pang sektor ng Mindanao, ay lalong lalakas ang Bangsamoro region upang maging sandigan at pagkakanlungan ng mga layuning kaunlaran at seguridad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |