Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Patuloy na lumalago ang ipinadadalang salapi ng mga OFW

(GMT+08:00) 2014-03-12 17:48:51       CRI

Pangalawang Pangulong Binay: Dapat gawing prayoridad ang natural gas

MALAKING TULONG ANG NATURAL GAS.  Iminungkahi ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na pagbalik-aralan ang mga batas tungkol sa natural gas upang makatawag pansin ng mga mangangalakal sa ibang bansa.  Siya ang naging panauhing pandangal sa 2014 Natural Gas Summit.  (OVP Photo)

KAILANGANG bigyang pansin ang pagpapaunlad ng natural gas industry sa Pilipinas. Ito ang sinabi ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa kanyang talumpati sa 2014 Natural Gas Summit na sinimulan kaninang umaga sa New World Hotel.

Nararapat ding pagbalik-aralan ang Presidential Decree No. 87 at Department of Energy Circular on Natural Gas upang makatugon sa mga pagbabago ng panahon. Ang ehekutibo at lehislatura ay nararapat ding pag-aralan ang karagdagang hakbang upang higit na mapansin ang Pilipinas para sa natural gas investors.

Ayon sa pangalawang pangulo, mahalaga ang natural gas at LNG sa Pilipinas. Iisa lamang ang pinagkukunan ngayon, ang Malampaya na pinagmumulan ng may 40% ng kuryenteng kailangan sa Luzon. Kung hindi magkakaroon ng bagong pagkukunan nito, maaaring magkaroon na naman ng kahalintulad na krisis na nadama noong Nobyembre ng 2013.

Malaking kababaan ng presyo ng natural gas at malaki rin ang naiambag nito sa pangangailangan ng bansa. Mas malinis ito kaysa sa tinaguriang conventional coal at krudo.

Pinasalamatan niya sina Ambassador Solem ng Norway, Ambassador Urabe ng Japan, Ambassador Kudashev ng Russia, Ambassador Boon von Ochsee ng Netherlands at dating British Ambassador Lillie sa pagbuo ng unang Natural Gas Summit noong nakalipas na taon. Makakasama na rin sa grupo si Spanish Ambassador Domecq at iba pang mga kasapi ng diplomatic corps sa pagsusulong na Natural Gas Summit, dagdag pa ni G. Binay.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>