|
||||||||
|
||
Simbahan, tutulong sa kampanya laban sa human trafficking
DAPAT WAKASAN ANG HUMAN TRAFFICKING. Ito ang panawagan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo. Karumal-dumal ang krimeng laban sa mga kababaihan at kabataan, dagdag pa ng obispo. (File Photo/Roy Lagarde)
SINABI ni Bishop Broderick Pabillo ng Maynila at National Secretariat of Social Action na kailangan ang Prevention, Prosecution, Protection at Partnership upang magwakas ang human trafficking.
Naniniwala ang obispo na sa pagpapalakas ng bawat sektor ay mapalalakas ang kampanya laban sa karumal-dumal na krimen laban sa mga kababaihan at kabataan.
Suportado rin ng paraang ito ang United Nations protocol upang masugpo ang salot ng human trafficking.
Makikipagtulungan ang simbahan sa mga ahensya at samahan upang masugpo ang krimen sa pinakamadaling panahon, dagdag pa ni Bishop Pabillo sa panayam sa isnag himpilan ng radyo kanina.
Sinabi ng International Justice Mission na mayroong 100,000 kaso ng human trafficking ang kinasasangkutan ng mga kabataan ang naitala noong 2013, kabilang na ang sex trafficking ng mga menor de edad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |