|
||||||||
|
||
Pamahalaan ng Pilipinas umaasang makakadalo si Malaysian PM Razak
SA likod ng kontrobersyang kinakaharap ni Malaysian Prime Minister Najib Abdul Razak matapos mawala ang flight MH 370 noong Sabado, ikawalo ng Marso, umaasa pa rin ang Malacañan na dadalo siya sa makasaysayang lagdaan ng kasunduan bukas.
Sinabi ni Kagawaran ng Ugnayang Panglabas (ng Pilipinas) na dadalo si Prime Minister Razak sa seremonyang magaganap bukas ng ika-apat ng hapon. Makakasama niya si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos-Deles sa pagsaksi sa paglagda ng magkabilang panig sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Lalagda sa panig ng pamahalaan sina Professor Miriam Coronel-Ferrer, Senen Bacani, Yasmin Busran-Lao, Mehol Sadain ng National Commission on Muslim Filipinos, at Consultants Zenonida Brosas at Jose Luis Martin Gascon.
Sa panig ng MILF, lalagda sina Mohagher Iqbal, Datu Michael Mastura, Maulana "Bobby" Alonto at Datu Antonio Kinoc.
Lalagda rin si Malaysian facilitator Tengku Dato' Abdul Ghafar Tengku Mohamad bilang saksi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |