Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paghahanda para sa ASEAN Economic Community, patuloy

(GMT+08:00) 2014-03-21 17:04:32       CRI

Paghahanda para sa ASEAN Economic Community, patuloy

MARAMI PANG NARARAPAT GAWIN UPANG MAGTAGUMPAY ANG ASEAN.  Ito ang sinabi ni dating ASEAN Secretary General Rodolfo Severino ng Pilipinas sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng isang aklat hinggil sa ASEAN, sinabi ni G. Severino na nararapat paghandaan ang darating ng komunidad.  (Melo M. Acuna)

MARAMI pang nararapat gawin ang iba't ibang bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations upang maganap ang pag-buo ng isang komunidad na mayroong 600 milyong katao.

Layunin ng ASEAN na higit na magkaroon ng tinig at lakas sa pakikipagkalakal sa daigdig upang makatapat man lamang sa Tsina at India. Masusunod ang takdang panahon, sa ika-31 ng Disyembre 2015, magsisimula ang isang komunidad ng mga bansang nasa timog-silangang Asia.

Ito ang nabatid sa isang briefing kasabay ng paglulunsad ng aklat na The ASEAN COMMUNITY-A Work in Progress sa Asian Development Bank kanina.

Ayon kay G. Jayant Menon, isa sa mga patnugot ng aklat, higit sa 70% ng kalakalan sa ASEAN ay wala ng taripang sinisingil at wala pang 5% ang napapasailalim ng buwis na higit sa 10%.

Sa larangan ng Investment Liberalization and Facilitation, halos mararating na ng anim na orihinal na bansang kasapi sa ASEAN ang international best practices samantalang humahabol na rin ang iba pang mga bansa.

Bagaman, hindi lahat magaganap ang inaasahan sa huling araw ng Disyembre ng 2015. Ayon sa ASEAN Economic Community scorecard, aabot lamang sa 77.5% ng target ang nakamtan sa pagitan ng 2008 at Marso ng 2013.

Nananatiling hamon ang pag-aalis ng hadlang sa kalakal sa mga sensitibong larangan told ng pagsasaka, bakal at ang mahahalagang uri ng services. Nararapat maalis ang non-tariff barriers na maaaring abusuhin tulad ng pagbalewala sa sanitary at phyto-sanitary rules sa mga pagkain at maging sa anti-dumping regulations.

Sa panig ni Omkar Lal Shrestha, hindi pa umano nababatid ng karamihan ng mga mangangalakal sa ASEAN ang pagbuo ng ASEAN Economic Community sa taong 2015.

Sa kanyang presentation, sinabi ng batikang ekonomista na ngayong nasa Akademya ng Singapore, na 86% ng mga mangangalakal sa Singapore ang 'di nakaaalam ng mga magaganap sa rehiyon. Labing-apat na porsiyento lamang ang nakababatid. Tulad ng Pilipinas na 80% ng mga mangangalakal ang walang alam na mabubuo ang timog-silangang Asia bilang isang economic community.

Ayon kay G. Shrestha, 77% ng mga mangangalakal sa Indonesia ang 'di nakababatid ng pagkakaroon ng Asean Economic Community. Ang mabigat nito'y halos kalahati ng mga mamamayan sa timog silangang Asia ang mula sa Indonesia.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>