|
||||||||
|
||
United Nations Country Team, nalugod sa paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro
MALUGOD na tinanggap ng United Nations Country Team ang paglagda ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front na magpapatibay ng kapayapaan sa Mindanao.
Ito ay isang pagpapatotoo ng isang malalim at tapat na pangako at pinag-isang pananaw ng magkabilang-panig na maghatid ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.
Isang pagkakataon rin ito na maisulong ang paggalang sa batas, tugunan ang pangangailangan para sa karapatang pangtao na kinabibilangan ng "structural discrimination." Sa pamamagitan ng kasunduang ito, magkakaroon ng matagalang solusyon sa suliranin ng mga nagsisilikas na mga mamamayan mula sa kaguluhan. Pagkakataon na rin itong matugunan ang mga pangangailangan at pagdarahop ng mga kababaihan, mga bata at mga nasa mapanganib na kalagayan.
Pinapurihan ng United Nations ang pamahalaan ng Pilipinas sa paglalaan ng isang modelong matutularan ng buong daigdig bilang pagpapatotoo sa peace process.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng United Nations country team na kapuri-puri ang ginawa ni Pangulong Aquino. Pinasalamatan din nila ang Pamahalaan ng Malaysia sa pagtataguyod ng mithiin ng magkabilang-panig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |