|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bangsamoro Basic Law, dapat kilalanin ang Saligang Batas
NARARAPAT lamang igalang ng Bangsamoro Basic Law ang Saligang Batas ng Pilipinas kasabay ng pangako ni Senate President Franklin M. Drilon na pangungunahan ang Kongreso sa pagpapanatili at pagsasanggalang ng soberenya ng bansa sa pagkakaroon ng Bangsamoro political entity sa Katimugang Pilipinas.
Niliwanag ni Senador Drilon na matapos ang paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro ng Pilipinas at ng MILF, ang "national sovereignty" ang pagtutuunan ng pansin ng Kongreso sa paghahanda ng Bangsamoro Basic Law na isang prayoridad ng kanilang mga kapulungan.
Umaasa rin si Senador Drilon na gagawing prayoridad ni Pangulong Aquino ang pagbuo ng Bangsamoro Basic Law.
Tiniyak ni Senador Drilon na mangunguna siya sa pagbabantay sa nasasakop ng republika sapagkat hindi mapahihintulutan ng mga Pilipino na mabawasan ang nasasakupan ng bansa. Marapat lamang na manatiling iisang bansa at iisang lahi, dagdag pa ng senador.
Pangalawang Peñafrancia Short Film Festival inilunsad
PINAMUNUAN ni Caceres Arsobispo Rolando Tria Tirona at Commission on Communications Director Fr. Luisito Occiano ang 2nd Peñafrancia Short Film Festival na may temang "Choose to be brave, to live and love like Ina."
Dalawang mahahalagang bahagi ng pelikula ang kailangang mabigyang pansin, ang pagdiriwang ng Taon ng mga Layko at ang pagtugon sa panawagang maging tulad ni Maria.
Nararapat nakatuon ang pansin sa debosyon sa Ina ng Peñafrancia, ang Patron ng Bicol. Ani Fr. Rex Andrew Alarcon, isang kilalang Church historian, samantalang si Maria ay kilala sa pangang Our Lady, Nuestra Señora, Notre Dame at Mahal na Birhen, ang Birhen ng Peñafrancia ay kilala sa rehiyon bilang "Ina."
Ayon pa kay Fr. Alarcon, naglalaman ito ng pagmamahal ng isang ina at paggabay, isang mapapagkanlungan at mahihingan ng tulong. Nararapat makita ng mga lalahok ang marubdob na relasyon ng mga deboto at ng Mahal na Birhen, samantalang nakikita rin ang kulturang Bikolnon. Bukas ito sa mga non-professional at professional filmmakers.
May registration fee na P 2,500 na nararapat bayaran bago sumapit ang huling araw ng Abril kasabay ng registration form. Hindi nararapat lumampas sa 30 minuto ang pelikula at maisumite na rin ang synopsis ng kalahok. Papayagan silang kumuha ng footages sa mga prusisyon na gagawin sa ika-19 ng Mayo para sa traslacion at sa ika-23 ng Mayo sa fluvial procession.
Dapat maisumite ang lahat ng lahok sa ika-30 ng Hulyo, 2014. May nakalaang P 100,000 para sa unang gantimpala, P 75,000 para sa pangalawang puwesto, P 50,000 para sa ikatlo at P 25,000 para sa People's Choice Award.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |