|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, nanawagan sa mga Tsinoy
MAGTULUNGAN TAYO. Ito ang mensahe ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa ika-60 anibersaryo ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry noong Sabado ng gabi sa isang malaking hotel sa Paranaque City. Pinasalamatan niya ang mga Tsinoy sa pagtulong sa mga nasalanta ni "Yolanda", pagtatayo ng mga paaralan at pagtulong sa mga palatuntunang pangkalusugan. (Malacanang Photo)
MALAKI ang maitutulong ng mga kasapi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry sa pagpapaunald ng bansa sa pamamagitan ng paggugol sa mga mamamayan.
Sa kanyang talumpati sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng samahan na idinaos sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City noong Sabado ng gabi, pinuri ni Pangulong Aquino ang samahan sa kanilang nai-ambag sa edukasyon, kalusugan at relief at rehabilitation ng mga napinsalang pook ng bagyong "Yolanda."
Sinabi ni Pangulong Aquino na isang mas malaking hamon ang kanyang ibinibigay sa mga kasapi ng FFCCCI, ang pagbalikat ng mas malaking bahagi ng investment sa mga mamamayan. Mas malaki ang magagawa sa pagtutulungan ng pamahalaan at business sector at ito'y sa pamamagitan ng apprenticeship program upang matuto sa matatagumpay na kasapi ng pederasyon.
Binanggit niya ang karanasan ng Jollibee na nakipagtulungan sa mga magsasaka sa pagbili ng sibuyas sa kanayunan at lumago pa sa pagbili ng bigas at lara at kamatis sa Quezon, Bukidnon at Misamis Oriental.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |