|
||||||||
|
||
Manggagawang Pilipino, nakauwi na mula sa Syria
MAY 26 ng manggagawang Pilipino ang dumating kaninang ika-apat na hapon mula sa magulong bansa ng Syria ayon sa Mandatory Repatriation Program ng Pilipinas.
Dumating sila sakay ng Qatar Airways Flight QR 926. Aabot na sa 5,275 ang nakauwing Pilipino mula sa Syria mula ng simulant ang repatriation noong Marso 2011. May 2,248 ang dumaan sa Lebanon sa pagtutulungan ng mga Embahada ng Pilipinas sa Damascus at Beirut.
Ang pamasahe ng mga manggagawa ay sinagot ng International Organization for Migration. Nananawagan pa rin ang Department of Foreign Affairs sa mga Filipino nationals na nasa Syria na gamitin na ang repatriation program ng Pilipinas. Makatatawag sila sa 00963-11-6132626, 00963-949155557, 00963-934957926. Puede rin sa email address na damascus.pe@gmail.com
Ang mga kamag-anak ng mga manggagawang nasa Syria ay maaaring makipag-ungyanan sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers' Affairs sa numerong 8343240 o 8344538. Mayroon ding 24-hour Action Center na may telephone numbers 8343333.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |