|
||||||||
|
||
Isyu ng Kapayapaan, isang mahalagang paksa
SINABI ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracis Iniguez, Jr. na ang isyu ng kapayapaan ay isang mahalagang paksa sa daigdig ng Kristiyanismo. May kahalagahan din ito sa pagkakadakip kay Benito at Wilma Tiamzon kamakailan.
Sa isang panayam sa obispo, sinabi niya na hindi nararapat basta ipagkatiwala ang isyu ng kapayapaan sa mga gumagawa ng batas at mga halal na pinuno ng bayan.
Idinagdag pa niya na bilang mga Kristiyano, nararapat lamang bantayan ng mga mamamayan ang kapayapaan sa bansa sapagkat hindi lamang ito isyung politikal at panglipunan at ito'y usaping pang-Kristiyano.
Ang retiradong obispo ay kasapi ng Philippine Ecumenical Peace Platform.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |