|
||||||||
|
||
Solicitor General Jardeleza, idinaan sa electronic mail ang Memorial ng Pilipinas
IDINAAN sa electronic mail ang unang sipi ng may 4,000 pahinang Memorial ng Pilipinas upang matugunan ang deadline na ika-30 ng Marso, 2014.
Ayon kay Solicitor General Francis H. Jardeleza, kasama sa dokumentong isinumite ng Pilipinas ang mga isyung bumabalot sa Ayungin Shoal. Walang ibang detalyes na ibinigay ang pinaka-abogado ng pamahalaang Pilipino.
Niliwanag niyang walang katiyakan kung kalian sila pahihintulutan na ilabas ang detalyes ng Memorial ng Pilipinas.
Tikom ang mga labi ni Atty. Jardelesa sa detalyes ng Memorial bilang paggalang sa alituntunin ng Arbitral Tribunal. Walang anumang bansa sa Asia ang nabigyan ng sipi ng Memorial sapagkat tanging ang Arbitral Tribunal lamang ang makababasa na nilalaman ng Memorial.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |