|
||||||||
|
||
Pangulong Tan ng Singapore, darating sa Pilipinas
ANG Head of State ng Singapore Pangulong Tony Tan Keng Yam ay darating sa Pilipinas para sa apat na araw na state visit mula sa Miyerkoles, ikalawa hanggang sa Sabado, ika-lima ng Abril sa paanyaya ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Pag-uusapan nila ni Pangulong Aquino ang tungkol sa mga isyung naka-aapekto sa dalawang bansa tulad ng defense issues, trade and investment, at kalagayan ng mga Pilipinong nasa Singapore. Makakausap din niya ang mga kasapi ng Philippine-Singapore Business Council.
Ipagkakaloob niya ang mga donasyong mula sa mga Singaporean nationals sa mga kabalikat ng Singapore Red Cross sa rehabilitation projects para sa mga biktima ng bagyong "Yolanda."
Nakatakda rin siyang dumalaw sa Basey, Western Samar upang dalhin ang medical supplies sa pagamutan ng pamahalaan sa lalawigan Pinagtulungan ng Singapore Red Cross at International Committee of the Red Cross ang rehabilitation project.
Ang Singapore ang ika-apat na pinakamalaking trade partner ng Pilipinas noong 2013 at nagkaroon ng kalakal na aabot sa US$ 9.27 bilyon at ika-anim na pinagmumulan ng mga turista at natamo ang 175,304 na turista noong 2013. Nasa Singapore din ang tinatayang may 180,000 mga Pilipino.
Dumalaw si Pangulong Aquino sa Singapore noong ika-siyam hanggang ika-11 ng Marso 2011. Makakasama ni Pangulong Tan ang kanyang maybahay na si Gng. Mary Tan at delegasyong mula sa Ministry of Environment and Water Resources, Foreign Affairs, Ministry of Manpower at mga kasapi ng kanilang parliamento.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |