|
||||||||
|
||
140409melo.m4a
|
Araw ng Kagitingan, ginunita sa Mt. Samat, Bataan
NAMUNO si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa paggunita sa Araw ng Kagitingan, kilala sa pangalang "Fall of Bataan" may 72 taon na ang nakalilipas.
Sa seremonyang idinaos sa bundok ng Samat, sa bayan ng Pilar sa Bataan, sinabi ni Pangulong Aquino na nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig samantalang naghahandang magsarili ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Amerikano. Nadawit ang Pilipinas, ani Pangulong Aquino sapagkat nasa Pilipinas pa noon ang mga kawal na Amerikano. Pinapurihan niya ang mga kawal na nagbuwis ng buhay at katawan sa paglaban sa mga nanakop na Hapones.
Ani Pangulong Aquino, tinataya na higit sa isang milyong mga Pillipino ang nasawi mula sa mga mamamayang mahigit sa 16 na milyong mga mamamayan. Hindi rin mabilang ang mga nangibang-bayan upang makaligtas sa kaguluhan.
Idinagdag pa niya na napakahalaga ng katagang sakripisyo sapagkat hinarap ng mga beterano ang panganib sa ngalan ng bandilang Pilipino.
Ibinahagi rin niya ang magandang balita para sa mga beterano sapagkat sinimulan na ang Pensioner's Revalidation Program at nabawasan na ng may 22,534 na accounts at may 14,616 accounts ang suspendido. Naibalik ang halagang P396.61 milyon at noong nakalipas na buwan, umabot na lamang ang mga beterano sa bilang na 133,784.
Ibinalita rin ni Pangulong Aquino ang salaping P 36 bilyon para sa 38 na programa mula noong Hulyo 2010 hanggang Marso 2014 para sa mga makabagong sasakyan at kagamitang magdaragdag ng lakas sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |