Katedral ng Maynila, bubuksang muli
PHOTO NO. 4 - MANILA CATHEDRAL, NAAYOS NA. Binuksan na kaninang ika-anim ng gabi ang Katedral ng Maynila matapos ang repairs na ginawa ng higit sa dalawang taon. Pinamunuan ni Arsobispo Luis Antonio G. Tagle ang Misa na nagpapasinaya sa iniaayos na katedral. (Melo M. Acuna)
NATAPOS din ang pagpapagawa ng Katedral ng Maynila, isa sa mga madalas dalawin ng mga mananampalataya at mga turista sa Intramuros. Tumagal ng higit sa dalawang taon ang pagsasaayos nito.
Ganap na ika-anim ng gabi mamaya, itatampok ang isang audio-visual presentation bago magmisa si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle.
Isinara ang Katedral ng Maynila noong ika-pito ng Pebrero 2012 upang ayusin ito mula ng itao noong 1958. Unang itinayo ang simbahan noong ika-16 na siglo. Nagkaroon ng mga bitak at may napunang hindi ayon sa itinatadhana 2010 National Structural Code of the Philippines.
1 2 3