|
||||||||
|
||
May mga may Smartphones, lumalago; Pinsala ni "Yolanda" sa Globe Telecom, higit P 100 milyon
PILIPINAS, IKALAWA SA ASEAN SA PAGGAMIT NG INTERNET. Ayon kay G. Ernest Cu, Pangulo at Chief Executive Officer ng Globe Telecom, maganda ang kanilang kalakal noong 2013. Ito ang kanyang inulat sa taunang Globe Stockholders Meeting. Sa isang press briefing, binanggit din niyang mas maraming nagkakaroon ng smart phones sa Pilipinas. (Melo M. Acuna)
MAGKAKAROON ng mas maraming 3G at 4G sites sa buong bansa at mga LTE sites sa malalaking commercial districts at mga dinadalaw na pook ng mga turista upang mapaganda ang mobile browsing sa buong bansa.
Ito ang sinabi ni G. Ernest Cu, Pangulo at Chief Executive Officer ng Globe sa isang press briefing kahapon.
Ibinalita rin niya na noong nakalipas na taon, tumaas ang kanilang kita sa mobile data services na lumago ng may 42% noong 2012 at umabot sa P 11.6 bilyon na 16% ng buong mobile revenues. Ipinaliwanag pa ni G. Cu na ito ay dahilan sa patuloy na pangangailangan ng data services at ng data-driven products at applications.
Pangalawa ang Pilipinas sa nangungunang internet user sa loob ng Association of Southeast Asian Nations, ika-anim sa Asia Pacific at ika-17 sa buong daigdig.
Mas gusto na ng mga Pilipino ang mobile devices kay sa mga desktop personal computers sa pagkalat at murang tablets na may local at Chinese brands. Aabot na umano sa 1.79 milyong Pilipino ang may tablet, na kinakitaan ng malaking benta sa nakalipas na kalahating taon. Hindi magtatagal ay makakapantay nan g desktops ang mga smart phones.
Samantala, sinabi rin ni G. Cu na may 750 mga mobile telephone sites ang nasira dahilan sa bagyong Yolanda at sa kawalan ng kuryente. May mga mobile telephone sites na may mga baterya subalit hanggang walong oras lamang ang itinagal. Bilang leksyon sa Globe Telecom, maglalagay sila ng mas maraming power generators upang magamit ng mga subscribers ang kanilang mga mobile phones.
Naapektuhan din ang fiber infra sa pagkapinsala ng mga poste. Maraming mga paraan upang maibalik sa dati ang mga napinsalang pasilidad. Magagaling ang kanilang mga tauhan sapagkat matapos dumaan ang bagyo sa kanilang kinalalagyan ay naghanda na silang tumugon sa pangangailangan. Kailangan ding magkaroon ng sapat na kagamitan at mga spare parts at makabagong disenyo ng mga pasilidad upang magpatuloy ang paglilingkod.
Ayon kay Alberto M. De Larrazabal, Chief Finance Officer ng Globe na higit sa P 100 milyon ang pinsala ng kanilang mga kagamitan subalit malaking bahagi nito ang kanilang mababawi sa pamamagitan ng insurance.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |