|
||||||||
|
||
Pamahalaan, nagpaala-ala sa mga Pilipino sa Gitnang Silangan
TUMUTULONG na ang Pamahalaan ng Pilipinas sa mga Filipino sa Gitnang Silangan, sa mga pook na mayroong Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS-CoV upang matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan at maiwasan ang pagkalat ng karamdaman.
Ayon sa Palasyo Malacañan, ang Department of Foreign Affairs sa pamamagitan ng Embaha ng Pilipinas sa Abu Dhabi ay nagpadala na ng koponan noong Sabado upang alamin ang kalagayan ng mga Filipino na nagkaroon ng karamdaman.
Sinabi ni Kalihim Sonny Coloma na may koordinasyon sa mga autoridad sa UAE sa pagbabantay sa kalagayan ng mayroong MERS Corona Virus at nanawagan din ang DFA sa mga Filipino na sumunod sa payo ng mga autoridad.
Isang Filipino na ang nasawi noong Huwebes samantalang may lima pa ang nasa kwarantina bilang pag-iingat. Wala pa namang pagbabawal sa paglalakbay kaya't pinag-iingat ang mga magtutungo at naninirahan sa Abu Dhabi. Umiwas umano sa mga taong may sintomas ng trangkaso at madalas na maghugas ng mga kamay.
Sa mga magbabalik mula sa Gitnang Silangan na magkakasakit sa loob ng dalawang linggo ay umiwas muna sa matataong lugar at magtungo sa kanilang manggagamot.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |