|
||||||||
|
||
Visita Iglesia ng CBCP Media Office, iniaalay para sa mga OFW at may karamdaman
SINIMULAN na ng CBCP Media Office ang taunang paglulunsad ng Visita Iglesia para sa mga Filipinong nasa ibang bansa. Tampok nito ang mga pangangaral ng mga arsobispo at obispo sa buong Pilipinas.
Matatagpuan ito sa http://visitaiglesia.net/2014/?page_id=645 o visistaiglesia.net at mapakikinggan at mapapanood ang mga pelikula at larawang kuha sa mga simbahan sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Mayroon ding "on-line" Pasyon at ang tradisyunal na "Daan ng Krus" o "Way of the Cross."
Iniaalay din ito sa mga Pilipinong hindi na makapagsimba dahilan sa karamdaman at iba pang dahilan. Ang tauhang pagtatanghal na ito ay gawa ng Areopagus Social Media for Asia, Inc., Bukal TV at Fr. John McGivney Media Center at sa pakikipagtulungan sa Mekeni Food Corporation, Employers Confederation of the Philippines at Philippine Chamber of Commerce and Industry, Inc.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |