Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan, nagpaala-ala sa mga Pilipino sa Gitnang Silangan

(GMT+08:00) 2014-04-16 18:28:45       CRI

Dating Administrador ng National Food Authority, namayapa na

SUMAKABILANG-BUHAY na si Jesus "Jess" T. Tanchanco, ang pinuno ng National Food Authority mula noong 1972 hangang 1986 matapos atakehin sa puso noong Lunes ng hapon.

Nagugunita siya ng mga kawani ng NFA sa istilo ng kanyang liderato si G. Tanchanco, na nagtatag ng National Grains Authority noong panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Naglingkod siya bilang Executive Director ng University of the East Marketing Department, bilang kasapi ng Board of Trustees at dating pangulo ng UE Foundation for Research and Advanced Studies. Naging Chairman ng Heart Foundation of the Philippines at ng Agriculture Committee ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at Metro Manila Chamber of Commerce and Industry Development Cooperative. Vice Chairman din siya ng Fruits and Vegetables Committee ng Department of Agriculture at Board Member ng National Marketing Umbrella at Minimum Access Volume ng Department of Agriculture.

Ang kanyang labi ay nasa Funeraria Paz sa Araneta Avenue sa Quezon City. Wala pang takdang petsa sa kanyang libing.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>