|
||||||||
|
||
Upang isanib ang sinaunang elemento at makabagong elemento, ginagamit ng mga Beijing folk singer ang "San Xian" sa kanilang modern urban folk. Pero, tulad ng ibang mga urban folk singer sa iba't ibang lugar sa daigdig, ang gitara ay ang pinakamahalagang instrumento ng makabagong folk singer ng Beijing. Si Hao Yun, ay isang popular folk singer ng Beijing. Siya ay mahusay sa paggamit ng gitara, "San Xian," at harmonica. Ito ang kanyang trademark. Pakinggan natin ang isa pang awit mula sa kanya --- "Back to that day(回到那一天)"
Si Hao Yun at kanyang band
Ang awit na "Back to that day" ay nagpapakita ng memory of childrenhood. May isang maliwanag na katangian ang mga folk singer ng Beijing, ang inspiration ng kanilang creative work ay galing sa pang-araw-araw na pamumuhay. Katulad ng sinabi ni Hao Yun, "naninirahan ako sa lunsod na ito, kaya, sumulat ako ng hinggil sa aking lunsod. Dahil mahal ko ang Beijing, inaalay ko ang awit na ito para sa aking lunsod."
Ang bawat lunsod ay may sariling personality, ang bawat lunsod ay may sariling melody, at ang bawat lunsod ay may sariling folk singers. Gabi po ngayon sa Manila, ganoon din po sa Beijing, sana sa pamamagitan ng susunod na awiting ihahandog naming sa inyo, maramdamin ninyo ang totoong gabi ng Beijing --- One night in Beijing, pakinggan natin!
Gabi sa Beijing
Okay, oras na po para kami ay magpaalam. Sana ay kinagiliwan ninyo ang aming palatuntunan ngayong gabi. Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa numerong 0921-257-2397, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng MaArte Ako.
Available na rin po ang lahat ng programa ng Serbisyo Filipino sa podcast. Kaya, kung kayo po ay laging on the go, maari pa rin ninyo kaming mapakinggan sa pamamagitan ng pag-download sa podcast ng inyong mga cellphone o pad computer. Para naman sa mga ka-FB natin, paki-click lang ang "like" button sa aming FB page na crifilipinoservice para sa mga update ng aming ibat-ibang programa. Ito po si Ramon Jr., maraming salamat sa inyong pakikinig.
>>>> Pasok sa Ma-arte Ako
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |