Ang Qianmen ay nasa timog ng Tian'an Men Square. Noong nakaraan, ang Qianmen ay tinatawag din bilang "ZhengYang Gate," at ito ang timog na pasukan ng lumang lunsod ng Beijing. Ito rin ay isang landmark building ng lumang lunsod ng Beijing. Ang Qianmen ay may mahigit 500 taong kasaysayan. Kung dadalaw ka sa Beijing, ang Qianmen ay isang lugar na dapat bisitahin. Sa ngayon, ang "Qianmen(前门)" ay hindi na isang gate lamang, kundi isang lugar kung saan may maraming tinadahan at pedestrian mall. Dito, makikita ang mga lumang tindahan na may mahabang kasaysayan. Pero, wala nang stall tea, kung gusto mong tumikim ng tsaa, kailanagan kang magpunta sa tea house.
Pedestrian mall sa Qianmen
Nabanggit natin na isa sa mga pangunahing instrumentong isinasaliw sa "Jing Yun Da Gu" ay "San Xian(三弦)." Sa pagtatanghal ng "Jing Yun Da Gu," hindi puwedeng mawala ang"San Xian." Ang "San Xian" ay isang pangunahing instrumentong maaaring magpakita ng katangian ng Beijing. Ngayon, pakinggan natin ang isang awiting sinaliwan ng "San Xian" sa may unahang bahagi. Narito ang "Married (结了)" mula kay Hao Yun (郝云)
Hao Yun (郝云)
1 2 3