|
||||||||
|
||
喂wèi,请(qǐng)问(wèn)是(shì)哪(nǎ)位(wèi) ?你(nǐ)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)有(yǒu)空(kōng)?
20140506Aralin6Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn)。Matagal tayong hindi nagkita. Halikayo't samahan ninyo muli kami sa programang Pang-araw-araw na Wikang Tsino.
Ang ating misyon sa araling ito ay ang mga sumusunod:
1. 喂wèi,请(qǐng)问(wèn)是(shì)哪(nǎ)位(wèi) ? Helo. Sino po sila?
2. 你(nǐ)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)有(yǒu)空(kōng)? Kailan ka bakante?
3. 我(wǒ)们(men)几(jǐ)点(diǎn)见(jiàn)面(miàn)? 在(zài)哪(nǎ)儿(er)见(jiàn)面(miàn)? Kailan at saan tayo magkikita?
Unang-una, pag-aralan natin ang hinggil sa pagsagot sa telepono.
Kadalasang ang喂wèi ang unang-unang sinasabi ng mga Tsino sa pagsagot nila sa telepono. Ang喂wèi ay katumbas ng helo.
Kasunod ng喂wèi, kadalasang sinasabi ng mga Tsino na请(qǐng)问(wèn)是(shì)哪(nǎ)位(wèi)? Sino po sila?
Ang 请(qǐng) ay katagang ginagamit sa magalang na pakisusap at katumbas ng mga katagang "maari" o "puwede" sa Filipino.
问(wèn), magtanong.
请(qǐng)问(wèn), maari bang magtanong
是(shì), salitang nagbibigay-diin.
哪(nǎ)位(wèi), alin o sino. Ang位(wèi) ay salitang panukat.
Narito ang usapan:
A: 喂wèi,请(qǐng)问(wèn)是(shì)哪(nǎ)位(wèi)??Helo. Sino po sila?
B: 我(wǒ)是(shì)王(wáng)龙(lóng)。 Ito si Wang Long.
Kung gusto ninyong makipagkita sa isang kaibigan, kailangan muna ninyong itanong kung "Kailan siya bakante o libre?" sa wikang Tsino, ito ay你(nǐ)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)有(yǒu)空(kōng)? Kailan ka bakante?
你(nǐ), ka o ikaw.
什(shén)么(me), ano.
时(shí)候(hòu), oras o panahon.
有(yǒu)空(kōng), bakante o walang gagawin.
Narito ang ikalawang usapan:
B: 你(nǐ)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)有(yǒu)空(kōng)? Kailan ka bakante?
A: 周末。Sabado't Linggo.
B: 我们一起吃饭好吗? Maghahapunan ba tayo?
A: 可以。Siyempre naman.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |