Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Pito Pakikipag-usap sa Telepono

(GMT+08:00) 2014-05-12 17:01:01       CRI

他(tā)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)回(huí)来(lái)? 请(qǐng)他(tā)给(gěi)我(wǒ)回(huí)个(gè)电(diàn)话(huà)


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

Ang sagot ay pasalansang. Kung gusto ninyong itanong "Kailan siya babalik?" sa wikang Tsino, maaari ninyong sabihin ang ganito:

他(tā)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)回(huí)来(lái)?

他(tā), siya.

Tulad ng napag-aralan natin sa 你(nǐ)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)有(yǒu)空(kōng) (Kailan ka bakante?), ang什(shén)么(me)时(shí)候(hòu) ay anong oras o kailan.

什(shén)么(me), ano.

时(shí)候(hòu), oras.

回(huí)来(lái), bumalik.

Kailan siya babalik? 他(tā)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)回(huí)来(lái)?

他(tā)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)回(huí)来(lái)? Narito ang usapan:

A:他(tā)什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)回(huí)来(lái)? Kailan siya babalik?

B:我(wǒ)也(yě)不(bù)知(zhī)道(dào)。Hindi ko rin alam.

Paano ngayon sasabihin ng mga Tsino ang "Pakisabi na lang kay manager Liu na pakitawagan ako." Sa wikang Tsino, puwede ninyong sabihin: 请(qǐng)他(tā)给(gěi)我(wǒ)回(huí)个(gè)电(diàn)话(huà).

请(qǐng), makiusap. Tulad ng napag-aralan natin, ang请(qǐng) ay salitang ginagamit para ipakita ang paggalang.

他(tā), siya.

给(gěi), isang pang-ukol dito na kasunod ng recipient ng isang aksyon.

我(wǒ), ako.

回(huí), ibalik.

电(diàn)话(huà), telepono

回(huí)电(diàn)话(huà), tawagan ang tumawag. 个(gè), salitang panukat. 回(huí)个(gè)电(diàn)话(huà), tawagan ang tumawag.

Narito ang usapan:

A:请(qǐng)他(tā)给(gěi)我(wǒ)回(huí)个(gè)电(diàn)话(huà)。Pakisabi na tawagan ako.

B:好(hǎo)的(de)。Okey.

A:我(wǒ)的(de)电(diàn)话(huà)是(shì) 87654321。Ang numero ko ay 87654321.

B:好(hǎo)的(de)。我(wǒ)一(yí)定(dìng)转(zhuǎn)告(gào)他(tā)。Sige, sasabihan ko siya.


Mga Tip ng Kulturang Tsino:

Sa pangkalahatan, ang mga Tsino ay mahilig sa mga tukol na numero na itinuturing na masuwerte. Ang bilang na walo o "八(bā)" ay binibigkas ng katulad ng "发(fā)", na nangangahulugan ng pagyaman. Pinaniniwalaan ng mga tao na ang bilang na walo ay maaring maghatid sa kanila ng magandang suwerte. Kung pumipili sila ng numero ng telepono o iba pang katulad na numero, ang pinipili nila ay iyong may bilang na walo. Tulad din naman nito, ang bilang na anim o六(liù) ay madalas na iniuugnay sa kaalwanan. Marami ang may gustong pumili ng petsa na may bilang na anim para sa kanilang kasal. Kabaligtaran naman, sa takdang lugar ng Tsina, ang bilang na apat o 四(sì) ang pinakainaayawang bilang na tulad din naman ng "13" na itinuturing na pinakainaayawang bilang sa mga bansang Kanluranin. Ito ay dahil sa ang bilang na 四(sì) ay sintunog ng salitang 死 (sǐ) na nangangahulugan ng "kamatayan" sa wikang Tsino.

At diyan nagtatapos ang ating pag-aaral ng araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>